Manny Pacquiao vs. Keith Thurman

This is it fight fans! Ito ang sinasabing fight of the year na inaabangan ngayon sa mundo ng boxing. Very exciting ang labang ito dahil kilala si fighting Senator Manny “The Pac-man” Pacquiao (61-7-2) isang Welterweight champion na very explosive boxer, ganun din ang kanyang makakalaban na isang undefeated Welterweight champion na si Keith “One Time” Thurman (29-0-1).

Marami ang nagsasabing tatalunin ni Thurman ang fighting Senator dahil bukod sa mas bata ito, ay malakas din itong sumuntok at mas malaki kesa kay Sen. Pacquiao, pero marami din naman ang nagsasabi, na kahit sa edad nitong 40 yrs.old ay lamang ito sa experience, sa lakas at bilis sumuntok, at syempre sa ring I.Q nito.

Maglalaban ang dalawa na nakataya ang kanilang WBA Welterweight title. Bukas, July 20 (U.S)/ July 21 (Philippines), ay magkakasubukan kung sino talaga ang tatanghaling hari ng Welterweight division.

Kompyansa naman si Keith Thurman na walang magagawa si Pacquiao sa kanya dahil mas mataas daw ang kanyang ring I.Q dito. Pero sa kabila ng mga trash-talks ni Thurman ay walang epekto ito sa pambansang kamao, magkakaalaman daw sa fight night.

Don’t miss this fight!

Click the link below to watch the official weigh-in of Manny Pacquiao and Keith Thurman courtesy of FOX PBC.