Buhay OFW

I wrote this a couple of hours after landing here in Dubai from my vacation in the Philippines. I hate the feeling and I know ganito din ang nararamdaman ng mga tulad kong OFW. Kung ano ang level ng excitement nang papuwi ng Pinas, sobra din ang level ng lungkot kapag aalis na. Alam naman nating lahat na iba talaga kapag magkakasama. Sabihin na nating kahit mahirap, basta sama-sama, okay lang.. Pero bakit kinakailangan na lumayo pa din sa pamilya? Bakit kailangan mag-ibang bansa pa? Isa lang naman ang mabigat na rason, gusto ng mas magandang opportunity sa ibang bansa. Nandon ang hope na mabibigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya sa Pilipinas. Sa madaling salita, “Pera”, malaking “Sahod.”

Image credit to ABS-CBN

Maswerte ang mga OFW na nakahanap ng magandang trabaho abroad. Ang ilan sa kanila ay kasama ang kanilang pamilya kaya masaya silang namumuhay abroad. Marami din sa mga kababayan natin ang nabiyayaan ng malaking sahod, kaya may kakayahang makapag padala ng malaking pera sa pamilya sa Pinas. Sila ang may magagandang position sa trabaho.

Hindi naman lahat ay sad story, may mga kababayan lang din talaga tayo na nahihirapan. Lalo na ang mga kababayan natin na namamasukan bilang kasambahay. May ilan kasi na hindi maganda ang pakikitungo ng kanilang amo sa kanila. Bukod sa lungkot sa pangungulila sa mga mahala sa buhay, tinitiis ang lahat para lang may maipadala. Ang iba ay lumaki na lang ang mga anak na hindi pa sila nakakasama. Nakakalungkot dahil hindi na maibabalik yung mga panahon na nawala. Yung makita ang mga anak na lumalaki, yung personal na naipaparamdam yung pag-aalaga, yung pagmamahal.

Kailangan talaga ng lakas ng loob kung ang isa ay magtatrabaho abroad. Dito, limitado lang ang tulong na maibibigay ng mga kakilala, lalo kung nag iisa lang. Kailangan madiskarte din. Kaya tama ang ginagawa ng iba, bukod sa trabaho nila ay nai-involve din sa pag nenegosyo. Hindi kasi habang-buhay ay nasa abroad, kaya dapat talaga na paghandaan din ang pag-uwi.

Isa sa problema ng mga Pinoy abroad ay pagkakaroon ng malaking loan, o nababaon sa utang dahil sa mga credit card. Kaya dapat na ang bawat OFW ay mag-ingat at maging responsable sa pag-gastos at pag-bili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan.

I just wish that one day ay makauwi ang mga OFW sa Pinas na may magandang opportunity na naghihintay sa kanila. Yung hindi na kailangan pang lumabas ng bansa para lang magkaroon ng magandang kabuhayan. Yung hindi na kailangan pang lumayo sa kanilang mga pamilya.


Gusto mo bang matuto kung paano kumita online?
Join our online community of entrepreneurs by clicking image below.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.