A Life Of A Check-in Agent

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi lang pagi-issue ng boarding pass, pagta-tag ng bag ang trabaho ng isang check-in agent. Very critical din ang role nila when comes to safety and security ng workplace, ng mga byahero, at ng buong airport.

Did you know that check-in agents are the immigration’s first line of defense? Kaya h’wag kang magtaka kung ang isang check-in agent ay matanong dahil isa ito sa kanilang trabaho. Trabaho nila ang i-check lahat ng travel documents tulad ng passport, visa, ticket, itineraries, hotel booking, etc.

Although check-in agents are not immigration officers, tungkulin nila na siguraduhin na ang pasahero ay may proper documents bago ito mag travel. Titignan nila ang iyong passport, ticket, visa (kung kailangan sa bansang pupuntahan). Kailangan nilang siguraduhin na valid ang lahat ng ito, at kung may kulang, hindi ka nila hahayaan magtravel.

A. Document Checks

Check-in agents will ask security questions tulad ng ginagawa sa immigration, kaya be patient. Sa ibaba ang ilang information na itatanong nila sa mga pasahero:

  • What is the purpose of your travel?
  • Duration of stay (Country of Destination)
  • Who’s your contact person?
  • Do you have a hotel booking?
  • Do you have an Invitation letter from a sponsor? (If any)
  • Do you have sufficient funds?

Remember, maaaring itanong ang mga ito o hindi kaya be prepared.

May mga cases na hindi ia-allow ng check-in agent na magtravel ang isang pasahero. Sa ibaba ang ilan sa dahilan kung bakit nangyayari ito.

  • Passport & visa validity has expired
  • Documents required by the destination country are not met.
  • No medical certificate (for pregnant women). Usually, kung 28 weeks na ng pregnancy ay kailangan na mag-provide ng medcert/fit-to-travel ang pasahero.
  • Fake/forged documents.
  • Cancelled booking

Tandaan na kung may hingin man ang mga check-in agents sa mga pasahero ay dahil ito ang mga requirements ng local immigration at ng immigration sa bansang pupuntahan.

B. Denied boarding/Downgrading/Re-booking passengers

Overbooked flights are the check-in agents worst nightmare. Dito madalas na napapaaway ang mga CSA. Isipin mo na lang na naka-book na sa flight, may ticket na, tapos overbooked ang flight. Kalimitang nangyayari ito kung ang pasahero ay hindi pa naka-online checked-in. Malaki ang chance na ma downgrade o ma-deny boarding. Kaya make sure na to do the online check-in para secured na ang iyong seat. Kung hindi naman ina-allow ng system ang online check-in, that means na kailangan sa check-in counter ito gawin. Good luck with the seat though!

May pagkakataon naman na may delay o naka-cancel ang isang flight, due to an uncontrolled situation tulad ng bagyo, or technical issue sa aircraft, etc. May mga airline na sila na mismo ang nag re-rebooking ng mga pasahero, meron naman na ang mga check-in agents ang gumagawa nito, kaya isa ito sa sakit sa ulo na ginagawa ng mga CSA.

C. Handling Irate Passengers

Hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa mga CSA, parte ng ito ng buhay nila. May mga pasahero kasing masyadong demanding, at may kaisipan na sila ang pasahero kaya sila ang tama. Well, not really. May mga rules and regulations ang mga airline. Hindi pare-pareho ang mga rules na ito lalo na sa mga bagahe. Tandaan natin na sila (Airline) ang authority, may karapatan silang i-deny ang pasaherong hindi sumusunod sa patakaran ng mga ito.

Quick tips lang para hindi na magkaroon ng problema sa check-in.

  1. Baggage weight & allowance – dito madalas nagkakaroon ng problema ang mga pasahero dahil hindi nila inalam ang kanilang baggage allowance. Makikita sa ticket ang information na ito kaya basahin mabuti ang detalye. May mga pagkakataon naman na wala sa ticket ang baggage allowance, so ask this info sa iyong travel agent. Pero it is highly recommended to check this info sa airline website mismo or call the airline’s call center dahil may mga pagkakataon na mali ang info. na naibibigay ang mga travel agency sa mga pasahero. Para hindi din matagalan, iwasan ang bagaheng overweight. Kung ang nakalagay sa ticket ay 30 kg, h’wag na mag take chances na baka mapagbigyan, most likely hindi ka pagbibigyan ng check-in agent lalo na kung mahigpit ang patakaran ng isang airline.
  2. Validity of Passport – may mga pagkakataon na hindi nakakapag-travel ang isang pasahero dahil expired na ang passport. Kung domestic ang byahe hindi ito required pero kung magta-travel abroad ay make sure na hindi bababa sa 6 months ang validity ng iyong passport, dahil maraming country ang hindi inaallow ang may passport validity na less than 6 months. Renew your passport asap kung malapit na ang expiration nito.
  3. Flight details – imagine na very excited kang magtravel tapos ang sasabihin lang sa’yo ng check-in agent ay na-miss mo ang iyong fight or hindi ka pa mag ta-travel sa araw na’yon. Kainis diba? Unfortunately, nangyayari ang mga ito. Hindi kasi natingnan maige ng pasahero ang date ng kanyang travel. Kaya do not miss your flight schedule.
  4. Arrive on or before time – remember kapag magta-travel, pumunta ng maaga sa airport because we’ll never know kung anong mangyayari sa daan na makakapagpa delay sa byahe. 3 hours before the flight, you need to be at the airport. Mabuti na ang maaga kesa masarhan ng counter at ang irarason ay na-traffic. This is not a valid reason and 99.9% ay hindi ka tatanggapin sa flight kung nasarhan ka na ng counter. Okay lang kung online checked-in ka na pero WALANG BAGAHE, dahil pwede kang dumerecho sa gate, pero kung may bahage kang iche-checkin, forget it. This will lead you to re-book your ticket and worst, pay a fine.
  5. Visa validity (for international flights) – may tinatawag na visa validity. Hindi ibig-sabihin na nabigyan ka na ng visa ay derecho ka nang airport. I-check ang visa validity, kung kelan ka pwedeng mag travel. Minsan hindi napapansin ito ng byahero. Although nag book na sila ng ticket, hindi naman nila tiningnan kung kelan sila pwedeng pumasok sa bansang pupuntahan. Sa visa kasi makikita kung kelan pwedeng pumasok ang byahero sa isang country, kaya make sure to check the visa before you book your ticket.

So now you know ang buhay ng isang check-in agent. Everyday, they have to deal with so many issues, passenger attitude, etc.

Although it’s their job to do all these, they still deserve so be respected. May mga pasahero kasi na pinepersonal ang agent kahit alam nila sa sarili nila na sila ang may mali.

Remember to be nice sa mga check-in agent. By doing this, they MIGHT do an extra mile to help you.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.