How I Started Vlogging?

VLogging is a fun thing to do lalo na sa mga mahilig mag-present o mag express ng kanilang mga thoughts or mag educate sa mga tao using video. Pero magiging challenging ito lalo na sa mga nagsisimula pa lang. I want to share with you my experience noong nagsisimula pa lang ako.

Ang naging challenge sakin noong una ay hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung anong topic ang idi-discuss ko, kung anong tools ang gagamitin ko to edit my videos, at syempre, yung pagharap mismo sa camera dahil mahiyain ako.

Pero bakit nga ba ginagawa ito ng bang entrepreneurs? Effective ba talaga ito sa pagpo-promote ng business?

Ang sagot ay isang malaking “YES”. Sa video kasi ay mas nagagawa mong i-present ang business mo ng maayos, or yung mga bagay na gusto mong iparating sa public. May mga tao kasi na mas gusto manood ng video kesa sa mag-basa (Guilty ako dyan). Iba kasi ang effect ng may pinapanood. Madaling makapag promote sa way na ito, at masasabi mo lahat ng gusto mong sabihin. Pero ang challenge kasi dito ay kung paano ka magsisimula.

Ito ang mga bagay na hinanda ko para makapag simulang mag VLOG o mag Video Marketing.

  1. Video recorder – Ang akala ng iba ay kailangan mong magkaroon ng magandang gadget para makapag simulang mag video. Actually hindi naman, dahil ang kailangan mo lang para makapag-umpisa ay ang gamitin ang sarili mong mobile phone. Hindi mo kailangan ng high-end na camera dahil ang kailangan mo lang naman ay ang i-broadcast ang sarili mo. Kaya okay na ang mobile phone camera mo. Remember that your content is more important. Ito ang isang camera na ginagamit ko, isang Vlogger camera. Click here to view.
  2. Niche – Ito yung topic na gusto mong i-broadcast. Kung saan ka expert o yung hilig mong gawin. Pwedeng sa Health and Fitness if you’re a fitness instructor. Food and Beverages kung ikaw naman ay isang Chef. Financial Planning kung ikaw naman ay isang financial planner, etc. Basta pumili ka lang ng topic na idi-discuss mo sa mga viewers mo. Kung may business kang gustong i-promote, yun ang magiging topic mo.
  3. Video editing tools – Although optional ito pero mas maganda kung magagawa mong i-edit ang videos mo using a video editing tool. For me, ang madalas kong gamitin ay Camtasia Studio, madali lang kasi itong gamitin kahit ng mga beginner. Gumagamit din ako ng Adobe Premiere Pro, pero para sa mga advanced user na ito. Maraming video tutorial on how to use these video editing software sa Youtube kaya hindi ka mahihirapan. Pero kung wala ka pang experience sa mga ito, for now ay mag-upload ka muna ng RAW video mo straight from your mobile device. Pero eventually you will need to learn on how to use a video editing tool. You need to progress at some point.
  4. Social Media – Syempre kailangan makita ng maraming tao ang video mo kaya the best ang Youtube at Facebook to upload your videos. Kung gusto mong mag-upload ng video sa Youtube, ay you need to create your Youtube account first, same sa facebook but by now malamang meron ka nang FB account kaya all you need to do is to upload the video. Kung sa Youtube ay kailangan mong gumawa ng Youtube channel mo, sa FB naman ay mas maganda kung magkakaroon ka ng sarili mong FB business account. Ihiwalay mo ang personal account mo sa business account mo, ayusin mo ang profile picture at syempre ang contents nito.

Now, may idea ka na kung ano ang mga need mo para makapag-umpisa, kailangan mo ngayon na i-develop ang promotional skills mo. Well syempre sa una, talagang maraming oras ang gugugulin mo para masanay ka sa pagharap sa camera. Yung tipon tuloy-tuloy ang sinasabi mo without the need of editing. It will take time to develop kaya be patient.

Canon EOS M50 EF-M 15-45mm F3.5-6.3 IS STM lens, 24.1 MP, 4K, Mirrorless Digital Camera

Yung iba sinasabi na humarap daw muna sa salamin at mag-practice. Pwede mo din gawin ang way na ito, why not? Practice muna. Pili ka ng topic na gusto mo at dun ka mag focus. Ang ginawa ko naman nung una, ay humarap agad ako sa mobile phone ko, hit record at magsalita. Kung anu-ano na lang ang lumabas sa bibig ko that time, anything goes. Gusto ko lang makita hitsura ko habang nagsasalita. It doesn’t matter kung magkanda bulul-bulol ako or what, ang goal ko ay makita ko sarili ko at makita kung ano pang pwede kong i-improve. Pwede din naman na gumamit ng script, sumulat ka muna then basahin mo, yung tipong nag-rereport ka. It’s really up to you dahil may iba-iba tayong ways on how to present. We just have to develop ourselves in front of the camera… that’s the goal.

YUNTENG VCT-668 Pro Tripod with Damping Head Fluid Pan for SLR/DSLR Canon Nikon

Over time you will see yourself progress. At darating ang time na maa-upload mo ang mga video mo at marami ka nang magiging follower.

Maganda kung manonood ka sa youtube ng mga vloggers, dahil makakakuha ka ng technique sa kanila kung paano sila mag-present at kung paano sila gumawa ng kanilang vlogs. H’wag kang magmadali and don’t get frustrated kung mejo mabagal ang progress mo, ang importante ay you’re getting there. Wala namang nag-umpisa ng magaling dahil lahat nagpag-aaralan. Kahit yung mga magagaling na vloggers ay kailangan pa din i-edit ang videos nila dahil nagkakamali pa din. Natural lang yun kaya keep on practicing. Malay mo magawa mo din kumita online as a Youtuber diba?

How I Started Vlogging

Sa mga nagpa-plano gumawa ng kanilang Vlog, I wish you all the best!

Happy VLogging!


Gusto mo bang malaman kung paano mag start ng business online?
Click the image below to join our online community and start learning how you can make money online!