Ciudad de Victoria

Our Visit to The Philippine Arena, The Garden, & The Arena Waves Resort.


Ciudad de Victoria is the home of the Largest Indoor Arena in the world, The Philippine Arena. It’s a multi-purpose indoor arena with a seating capacity of 55,000. It is located in Bocaue Bulacan, a 140-hectare tourism enterprise zone about 30km from Manila. Ang Philippine Arena ay isa sa maraming centennial projects ng Iglesia ni Cristo. Aside from the arena, may iba pang attraction na nakapaligid dito tulad ng “Philippine Sports Stadium”. “The Garden”, at “Arena Waves Resort.”

Paano nga ba pumunta sa Ciudad de Victoria? Kung magco-commute ka lang, ito ang gagawin mo.

From Triangle North of Manila (Trinoma), may mga available P2P buses na papuntang Bocaue Bulacan. Sabihan mo lang ang driver or kundoktor na pupunta kang Philippine Arena at ibaba ka sa Baranggay Turo. Mula doon ay pwede na mag tricycle papuntang Ciudad de Victoria. FYI, P60 ang pamasahe sa tricycle. Malalaman mo kung malapit ka na dahil kitang-kita sa NLEX ang higanteng arena na ito kaya hindi ka maliligaw.

Hindi lang P2P buses ang available, basta bus papuntang Sta. Maria Bocaue Exit ang route mo.

Kung may sasakyan ka naman, mas magiging madali. Mula sa Balintawak / Smart Connect Interchange, baybayin mo ang North Luzon Expressway (NLEX), and then pass the Marilao Exit. After ng exit, keep right ka lang sa expressway hanggang makita mo ang road papuntang Ciudad de Victoria.

Now you know kung paano pumunta, I’ll share our experiences sa pag-bisita namin ng family ko sa magandang lugar na ito.

We took taxi nga pala nung pumunta kami dito, from Tandang Sora, nagbayad kami ng P700 para lang hindi na kami mahirapan sa byahe. Since hindi available ang direct route ng Arena from NLEX that time, sa baranggay Turo kami dumaan. Kung dito ka dadaan, sa gate 3 ng Ciudad de Victoria ang Entrance/Exit. May kahigpitan ang security dito kaya makipag cooperate lang. SOP ito para sa kaligtasan ng lahat sa loob ng area.

Kung may sarili kang sasakyan or naka taxi ka, just take the road going to the Philippine Sports Stadium. Kung wala ka naman sasakyan, magsabi ka lang sa mga security guard na nandon para mai-radio nila ang E-trike na susundo sa’yo.


The Garden

The Garden

Ticket price: P450 (Adult), P250 (Children)

Pang world-class talaga ang “The Garden”. Hindi ako masyadong nag e-expect dahil it’s JUST a garden sabi ko, pero noong nakapasok kami, sinalubong kaagad kami ng magagandang flower arrangements na may iba’t-ibang kulay ng lighting, sabayan pa ng magandang panahon that night na talagang nakakaalis ng stress.

Advisable pumunta sa The Garden ng gabi, dahil buhay na buhay ito. Check out ang ilan sa mga pictures na kuha ko sa mobile phone ko.

Paalala lang sa lahat na hindi pinapayagan sa loob ng “The Garden” ang professional camera. Kailangan mo itong iwan sa sa security guard.

I’m not expecting na ganito pala kagadanda sa loob. Kaya highly recommended ko talaga na makapunta ka sa The Garden. May unlimited rides din para sa mga bata, kasama na ito sa binayaran. Don’t miss the planetarium, mag-eenjoy ka kung hindi ka mahiluhin. Kahit nakaupo ka lang sa still chair, feeling mo ay gumagalaw ka dahil sa 3D effects.

H’wag din palampasin ang “The Butterfly Garden” para makita ang iba’t-ibang species na butterfly. (Paalala: Separate ang payment sa Butterfly garden)

Gusto ko pa sana mag post ng maraming pictures pero gusto kong ikaw mismo ang maka experience nito in person kaya ito lang muna ang pinakita ko. Continue browsing…


The Animal World

Bukod sa napakagandang garden, meron din Wild Life Theme Park sa loob. I’m not expecting this one.

I will let you check this one out yourself. Kaya visit the Garden!

Ang ganda diba? Pumunta kami dito ng araw pero ang init. Malawak ang lalakaran kaya kung pupunta ka dito ay magdala ka ng payong. Pero I highly recommend na sa gabi ka pumunta.


The candy land cafe

Image Credit To The Philippine Arena Facebook Page

Mag-eenjoy ang mga bata sa Candy Land Cafe dahil sa dami ng mga sweets sa loob. Isa sa nagustuhan namin dito ay ang Chocolate Cheese Cake! Nasa loob din ito ng The Garden kaya you will not miss this.


The Bunk House

We stayed here for 2 days dahil bitin ang isang araw para ma-enjoy ang lugar na ito. So we decided to stay sa isa sa kanilang Bunk House. P2,500 ang per day dito, Check-in starts at 1400 hrs. (2pm) at check-out naman ay 1200 hrs. (12nn).

Para makapunta sa bunk house, inform the security guard para makakuha ng E-trike papunta sa housing ng arena. Ihahatid ka ng driver sa reception area ng housing para makapag filup ng form. Paalala na mga kapatid lang sa Iglesia ni Cristo ang allowed dito maliban na lang kung may pahintulot ng namamahala sa arena. Kailangan mong mag deposit ng P500 (refundable) na makukuha sa araw ng check-out mo.

Mejo naging challenging sa amin ng family ko ang pag-stay dito dahil first time namin kaya hindi pa namin alam ang diskarte. Kaya I will share to you ang mga dapat mong gawin kung may plan ka o kayo ng family mo na mag-stay dito overnight or for a few days.

  1. Food and Drinks – You will find the foods expensive sa restaurant ng Ciudad De Victoria. That time kasi hindi namin alam na may iba pa palang option, pero since first time namin at gutom na kami, wala kaming choice. Walang ibang bilihan sa loob ng Ciudad kaya kailangan mong lumabas ng area. Sa labas ng Gate 3, may mga bilihan ng pagkain, mga karendirya. Nalaman namin ito from the security guard na napagtanungan namin. If you are planning to stay for a few days, make sure na bumili ka ng maraming tubig at pagkain. Remember na malayo ang bilihan ng murang pagkain kaya mag-baon.
  2. Transportation – Kung may sarili kang sasakyan ay advantage sa’yo. Dahil sa lawak ng Ciudad De Victoria, mainam na may sarili kang transport lalo na kung may kasama kang bata. Kung wala ka namang car, magiging challenging. Para makakuha ka ng transport sa loob (E-Trike), kailangan mo muna makipag-ugnayan sa kahit sinong security guard na makikita mo. Kailangan kasi nila i-radyo ang driver ng E-trike para masundo ka at maihatid sa location na pupuntahan mo.
  3. Amenities – Very basic lang ang bunk house kaya do not expect too much. Magdala ka ng sarili mong shampoo at sabon dahil hindi ito provided. May initan ng tubig kaya pwedeng-pwede magkape anytime. Kung sakaling hindi ka nakapag dala ng towel, don’t worry provided din ito. May refrigerator din to keep your food fresh. May T.V pero you need to ask assistance para mapagana mo.
  4. Cabinet – Good thing at kahit papaano ay may storage para sa mga damit at iba pang gamit.
  5. Air-condition – Kung darating ka doon ng tanghaling-tapat, obviously, mainit sa bunk house, pero good thing may aircon! Pero maghihintay ka nga lang na humupa yung init, kulob kasi kaya need mo muna buksan ang mga pinto.

The Arena Waves Resort

Entrance Fee: P300 (Adult), P150 (10 years old & below)

Siguradong mag e-enjoy ang buong pamilya mo sa wave pool ng arena, tulad namin na talaga namang nag-enjoy.

Overall experience, mejo nahirapan kami dahil first time namin magpunta dito. We don’t know what to expect. Hindi namin alam na mahal pala ang pagkain sa restaurant sa loob, na malayo ang bilihan ng pagkain sa labas ng Ciudad de Victoria, na challenging ang pagkuha ng E-trike sa loob para makapunta sa ibang lugar sa loob ng area. Pero now we know, the next time na pupunta kami doon, alam na namin ang mga dapat gawin at mga dapat dalhin. Highly recommended talaga na merong sariling sasakyan ang mga bibisita sa Ciudad de Victoria para mas lalong ma-enjoy ang pamamasyal sa loob.

I hope nakatulong ang aming naging experience sa’yo at sa lahat ng mga gustong bumisita sa magandang lugar na ito.


Gusto mo bang malaman kung paano mag start ng business online?
Click the image below to join our online community and start learning how you can make money online!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.