Only Spend What You Can Afford To Lose


Mahalagang pag-usapan natin ito mga kaibigan. Alam naman natin na mahalaga ang pera, dahil hindi madaling kitain ito, tama? Ang Hard-earned money ay dapat hindi basta-basta nilulustay lalo na kung wala ka namang passive income. Kaya dapat talaga maging maingat sa pag spend natin ng pera.

Now, maraming money making machines dyan na nag o-offer ng magandang kitaan, pero may puhunan. Tempting minsan lalo na kung wala kang masyadong gagawin pero kikita ka na. Nagagawa tuloy natin isugal ang ating hard-earned money sa mga program na ito, hoping na may kikitain tayo. Guilty ako dyan!

Hindi natin masisisi ang mga sarili natin kung sakaling mapasali man tayo sa mga money making machines na ito, pero tandaan natin, na dapat, we only spend what we can afford to lose. Dapat kung tayo man ay mamumuhunan halimbawa, i-treat na natin na ang pinakawalang pera ay isa nang loss. Kung ito man ay kumita, that’s great! Pero kung hindi naman, then better luck next time. Sa kahit anong negosyo naman, may panalo at may talo. H’wag natin isusugal ang ating buong kabuhayan. Baka naman kasi masyado kang na hype at dumating ka na sa punto na sinangla mo na ang iyong mga ari-arian.

Do you know how to earn big online even without having website, products or experience? This E-book is definitely for you! Order your copy today!

Marami kasi ang mga kaso na ganito na talagang namuhunan sila ng malaki dahil pinangakuan sila ng mga ilang kumpanya na kikita ang kanilang pera ng doble o triple, tapos malalaman na lang nila after a few weeks or months, nag-sara na ang company. Ngayon, kung tayo man ay mamumuhunan, siguraduhin natin na ang ilalabas nating pera ay hindi makakaapekto sa kabuhayan natin. Okay lang sana kung ito ay extra money lang na kung matalo man ay okay lang, yung tipong hindi naman natin ikahihirap. Pero kung buong kabuhayan na ang nakataya, that’s a big no no!

Kaya dapat na ingatan din natin ang pag-sali sa mga money making programs, at dapat na ito ay nire-review, nire-research, pag-aralang mabuti. Dapat alamin natin kung ang sasalihan ba natin ay kaya nating gawin o para sa’tin nga ba talaga. Baka naman kasi nasilaw lang tayo sa mga pinapaypay na pera ng mga members ng mga company na ito. H’wag magpa dalos-dalos para hindi masayang ang mga pinaghirapan nating pera galing sa ating mga pinagpagalan.

Kaya always remember.. only spend what you can afford to lose.


Join a healthy community of entrepreneurs. Learn how to take your business to the next level. Click the button below to have a free access.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.