Do or Die


Nanonood ka ba ng basketball? Malimit naririnig natin ito lalo na sa last quarter ng game. O di naman kaya, kapag itong game na ito na lang ang pag-asa nila para makasali sila sa championship match. Bakit nga ba sinasabing Do or Die? Hindi naman ito literal na mamamatay o mababawian ng hininga, ang ibig-sabihin lang nito ay kailangan gawin na ang very best, do whatever it takes, ibuhos ang lahat,  para maipanalo ang laban dahil dito nakasalalay ang lahat. Ano ang connection nito  sa pagnenegosyo? 

Before, dumaan ako sa matinding financial crisis,  sobrang tindi ng pangangailangang pinansyal ko noon, walang-wala talaga kami. Naaawa na lang ako sa mag-iina ko dahil pinagkakasya na lang namin ang perang natitira sakin mula sa sinasahod ko. Until one time, may nakita akong opportunity, pero kinakailangan ng kapital. Itong kapital na ito ay katumbas ng perang natitira sakin para makatawid kami in 1 month. Ibig-sabihin, kapag ginamit ko itong pera na ito sa pag nenegosyo, at nagfail ako, mas lalong malalagay kami sa alanganin. Pero kung ako naman ay mag succeed dito, malaking maitutulong samin. 

Ang hirap pakawalan ng perang natitira sakin, dahil walang kasiguraduhan kung magiging okay ito or hindi. Nakakatakot. Ang hirap sumugal. On the otherhand, kapag nakikita ko pamilya ko, dun ako nagkakalakas ng loob na isugal ang money ko. Dito ako nagkaron ng kaisipang, DO or DIE.

Sabi ko sa sarili ko, ito na ang last chance ko. Kapag hindi ko ibinuhos lahat ng effort ko dito, hindi lang ako ang mag ssuffer kundi pati pamilya ko. I’d rather do whatever it takes than to die. If I die, I’ll die trying. Ganon ang kaisipan ko non. Grabe noh? 

Nagkaroon ako ng mindset na, Ricky, this is it. It’s your final chance. Kaya ito ang naging lakas ko para gawin ang opportunity na nakita ko. And guess what? Hindi naging madali pero you know what? Hindi ko ininda ang hirap, yung iba hirap na hirap, pero dahil siguro sa do or die mindset ko, nagawa ko! Hindi lang nabawi ko ang pera na pinuhunan ko, kundi it grew multiple times! Hindi ako makapaniwalang nagawa ko. 

Kaya naman pala sabi ko sa sarili ko. Nasa atin kung paano natin ikukundisyon ang isip natin. Kung iisipin na hindi natin kaya, hindi talaga natin magagawa. Pero kung iisipin natin na ito na ang last chance natin, magkakaron tayo ng willingness na gawin ang bagay na sa tingin natin ay hindi natin kaya.  It’s all in the mind.

Kaya kung talagang gusto maging successful… it’s either you do it, or don’t bother..

DO or DIE.


Gusto mo bang malaman kung paano mag start ng business online?
Click the image below to join our online community and start learning how you can make money online!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.